Thankful 2010
Maraming nangyari sakin ngayong 2010: Masaya, malungkot, nakagagalit, nakakaasar, nakatutuwa, nakawiwindang. Pero ang masasabi ko lang sa 2010, salamat dahil sa taong ito, andaming nangyari na nagpabago talaga sa buhay ko; in a MAJOR MAJOR way. Naging part ng isang council, third year second sem judgment (haha wag na i-mention pa dito), umiyak ng higit sa isang beses, maging part ulit ng prod, makakilala ng mga taong sobrang galing at sobrang worth it kilalanin. 2010, marami sya pero thank you kasi sila ang bumuo sakin kung ano ako ngayon.
sa mga taong gusto kong pasalamatan:
1. ENTA EB 09-10 = Natapos ang term natin, March 7, 2010. Exactly one year after natin ma-induct as ENTA EB. Marami tayong pinagdaanan pero lahat ng iyon, worth it. Salamat sa biyaya ni Danica, ni Jeds, ni Timee, ni Omar, ni Kyombs Tal, ni Sang at ni Sir Jet; kundi dahil sa kanila, hindi ako magkakaroon ng mga tao na kahit natapos na lahat ng trabaho, nakakaya pa rin namin mag-“EB meeting” hanggang ngayon dahil ganun kalakas ang nabuong samahan sa aming pito and sir jet bilang mother for all season. Marami pa tayong eating meetings, dahil malapit na kaming grumaduate nina Sang at Tal :>
2. COA CB 10-11 = 24 kids, 24 different people pero nagawa nilang baguhin ang mundo ko ng sabay-sabay. Mula nang ma-induct kami noong March 5, 2010, hindi ko aakalain na magiging ganito kasaya mag CB meeting, PLANSEM, EVSEM, FORMSEM, or even CB bonding kasama ang mga ito. Sa 9 months and counting naming magkakasama, nakita ko kung gaano sila ka-passionate sa mga ginagawa nila and gaano kainspiring sabayan sila. Di ko akalain na magiging ganito kami ka-close ni Bob, hindi ko makikilala ang mga kasing gago ko tulad nila Daryl, hindi ko makikilala ang mga taong mapag-alaga at mapag-unawa tulad ni Mamicee at hindi ako makakakilala ng tao na mas maitim sakin tulad ni Ken.. chos! HAHA pero napamahal silang lahat sakin. Sila na ang best gift (mapa birthday man o christmas) na natanggap ko ngayong 2010. Salamat sa biyaya nina Bob, Mamicee, Ken, Ara, Les, Vince, Ryan, Michi, Bianca, Roxie, Gian, Macoy, Aimee, Elen, partner Kim, Teox, Nikki, Beng, Shawn, Daryl, Jan, Geoff at Joy. 2 buwan na lang guys.. kayanin na natin ‘to!
3. IPA 10-11 - my dearest cluster, my cluster board especially. Lahat ata nang pwedeng pagdaanan, napagdaanan namin ni Kim dahil sa inyo. Pero thankful kami dahil bawat isa sa inyo, may nabibigay samin ni Kim para patuloy kaming magtrabaho para sa inyo. Kay Karen, DA, Sang, Niza, Ronnie, Trixia at Shivs, magkakaiba kayo pero nakita namin yung pagkakapare-pareho nyo sa pagmamahal nyo sa bawat orgs ninyo. Salamat kasi bawat meetings natin, you never fail to make me laugh or smile and yun. Sana pagkatapos ng lahat ng trabaho, makapagbonding na tayo ng maayos! haha bilang plano tayo ng plano pero dahil walang oras di matuloy-tuloy.. LAZER TAG!!!! :>
4. COA people - ExTeams and presidents, sobrang saya nyo katrabaho at kasama! Supportive and nakakatuwa kapag nagkakasalubong tayo or nagkikita sa COA room Thankful ako na nakilala ko kayo kasi never magiging ganito kasaya ang taon na ito kundi dahil sa inyo :) GO GUYS! last stretch! :>
Special mention kay Ace, David, Suzie, Ryan, Eldridge, Chay, Mikee, Miko, Jobo, Dave, Ivy and Dindin - mga wagas ang pagtambay sa COA room.. sobrang thankful ako na nakilala ko kayo ngayong taon.. mahal ko kayo! >:D< not in a kyombs way or romatic way whatsover! HAHAHAHAHA :))
5. Blockmates - forever and ever ko kayong mamahalin kahit lagas na tayo.. HAHAHA!! Salamat at andyan pa rin kayo.. LETS GO BLOCK i1 2011!! WUHOOO
6. BOMBITA Cast and prod team - di pa tayo tapos, although, naging part kayo ng 2010 ko dahil ito na ulit ang prod kung saan ulit ako makakaarte, ang huli ko bago nito ay nung XPRES pa, which was 2008. Maraming pagsubok ang nakaantaba sa atin.. kakayanin natin ito.. WALANG IWANAN GUYS! WALANG BIBITAW! :>
7. MY inspiration/s - marami kayo.. pero iisa ka lang actually..HAHAHAAHAHA! salamat dahil naging inspiration kita.. di mo lang alam (malamang kasi di ko sasabihin ito sayo) pero napasaya mo lang ako, one way or another.. thank you for the gift of you…and dahil dyan, I’M MOVING ON WITH MY LIFE! :)) bye inspiration, maghahanap na lang ulit ako for 2011 :))
2011, ang hihingin ko lang sayo… GRUMADUATE AKO at MAKAHANAP NG BONGGANG MAGPASUWELDO NA TRABAHO! WUHOO :))
goodbye 2010.. hello 2011! :)